by Rachel Anne
Mga Kabayan sa Nagoya at iba pang bahagi ng Aichi, ingat po tayo!
Noong September 8, 2026, nakaranas ang Nagoya City ng matinding pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa mga kalsada, bahay, at ilang bahagi ng transportation network.
Ang malakas na ulan ay konektado sa weather front at sa mainit at mahalumigmig na hangin mula sa tropical system na dating Typhoon No. 24.
Reference Image : https://edition.cnn.com/2023/08/15/asia/typhoon-lan-japan-rainfall-evacuations-climate-intl
Hindi ito ordinaryong ulan.
Sa Nagoya, umabot sa humigit-kumulang 104.5 mm ang ulan sa loob lamang ng isang oras — isang bagong record para sa lungsod sa mahigit 130 taon ng weather observations.
Dahil sa napakabilis na pagbuhos ng ulan, maraming kalsada ang binaha at naging mahirap o delikado ang pagbiyahe.
Nagkaroon din ng disruptions sa city buses at subway services, habang ilang residents at commuters ay kinailangang humanap ng ligtas na lugar habang naghihintay na bumuti ang kondisyon.
Reference Image : https://english.kyodonews.net/articles/-/84423?pn=4
Nag-set up ang Nagoya City ng Disaster Response Headquarters noong September 8 matapos tumaas ang panganib dahil sa matinding ulan.
Nagkaroon din ng evacuation instructions sa ilang lugar dahil sa pagtaas ng tubig sa mga ilog. Pagsapit ng madaling-araw ng September 9, inalis na ang Level 4 evacuation instruction para sa Yada River matapos bumaba ang tubig sa itinakdang warning level.
Gayunpaman, pinapayuhan pa rin ang lahat na patuloy na bantayan ang official weather at disaster information.
Reference Image : https://mainichi.jp/english/articles/20260909/p2g/00m/0na/002000c
Isa sa pinakamalaking epekto ng pagbaha ay sa transportation.
Ayon sa reports noong September 9, humigit-kumulang 200 vehicles sa Nagoya ang binaha at hindi makagalaw.
Kaya kapag may heavy rain warning, huwag basta dumaan sa baha kahit mukhang mababaw lamang. Iwasan din ang underpasses, riversides, low-lying roads, at iba pang flood-prone areas.
Para sa ating mga Kabayan na nakatira o nagtatrabaho sa Nagoya, Aichi, at nearby areas, importanteng maging prepared.
Huwag umasa lamang sa Facebook posts o group chats. Regular na tingnan ang announcements mula sa :
Japan Meteorological Agency (JMA)
Nagoya City
Aichi Prefecture
Local government ng inyong city
Official train at transportation operators
Search ninyo ang pinakamalapit na 避難所 (hinanjo / evacuation shelter) sa inyong bahay at workplace.
Kung may evacuation order sa inyong lugar, huwag hintaying tumaas pa ang tubig bago kumilos.
Kapag malakas ang ulan, mabilis tumaas ang tubig sa rivers at low-lying areas.
Kahit familiar kayo sa isang kalsada, maaaring ibang-iba ang kondisyon nito during extreme rainfall.
Magandang may ready na emergency bag na may :
Residence Card / important IDs
Passport copy
Cash
Power bank
Flashlight
Tubig
Ready-to-eat food
Medicines
Extra clothes
Emergency contact information
Ilagay din ang important documents sa waterproof pouch kung maaari.
During disasters, malaking tulong ang cellphone para makatanggap ng emergency alerts, weather information, evacuation announcements, at updates mula sa family at workplace.
Keep your phone and power bank charged whenever severe weather is expected.
Foreign residents can also use the Safety Tips app supervised by the Japan Tourism Agency.
Nagbibigay ito ng disaster-related notifications, kabilang ang evacuation information, earthquake alerts, at special weather warnings. Available din ang information nito in multiple languages.
Kahit tumigil na ang malakas na ulan, hindi ibig sabihin na wala nang danger.
Posible pa rin ang :
River flooding
Landslides
Flooded roads
Transportation disruptions
Sudden changes in weather conditions
Always check the latest official information before leaving your home.
Ingat, Kabayan!
Living in Japan means being prepared not only for earthquakes but also for typhoons, extreme rainfall, floods, and landslides.
Ang nangyari sa Nagoya ay magandang reminder na maaaring mabilis magbago ang panahon. Within a short period, normal na kalsada ay maaaring bahain at transportation services ay maaaring tumigil.
Kung nasa affected area ka, safety muna bago trabaho o biyahe.
Stay informed, prepare your emergency essentials, and follow instructions from your local government.
Ingat palagi, Kabayan!
Posted : 11 September 2026