by Ivy E.A.
Mga Kabayan, ready na ba kayong sumigaw ng “Laban, Pilipinas!” dito mismo sa Japan?
Ngayong September 19 hanggang October 4, 2026, magiging sentro ng Asian sports ang Japan para sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026—at isa sa mga Pinoy athletes na dapat nating abangan ay tennis star Alexandra “Alex” Eala.
Photo by: AINAGOC
At hindi na bago kay Alex ang Asian Games stage. Noong 2023 Asian Games, nag-uwi siya ng dalawang bronze medals para sa Pilipinas—sa women’s singles at mixed doubles. Sinundan pa niya ito ng women’s singles gold medal sa 2025 Southeast Asian Games sa Thailand.
Photo by: Inquirer.Net
Patuloy ring umaangat ang kanyang international tennis journey. Sa 2026, nakapasok si Alex sa WTA Top 20, umabot sa Round of 16 ng Wimbledon, at nakuha ang kanyang first WTA Tour title sa Mubadala DC Open.
Ngayon, another exciting chapter awaits—Aichi-Nagoya 2026!
Para sa ating mga Filipino at OFWs living in Japan, extra special ang Asian Games ngayong taon. Hindi lang natin mapapanood ang ating mga atletang Pinoy mula sa malayo—may pagkakataon tayong suportahan sila dito mismo sa Japan.
Every serve, every point, at bawat laban ni Alex ay paalala na kayang makipagsabayan ng talentong Pinoy sa world stage.
Kaya mga Kabayan, ihanda ang inyong Philippine flags at buong pusong suporta!