by Ivy E.A.
Kung nasa Japan ka, markahan na ang 20 July 2026 (Monday) dahil ito ay Marine Day (海の日 / Umi no Hi)—isang national public holiday.
Dahil Monday ang holiday, magkakaroon ng three-day long weekend (July 18–20). Maraming Japanese residents ang nagta-travel, bumibisita sa beaches, parks, at tourist spots, kaya asahan ang mas maraming tao sa mga train stations, expressways, at shopping areas.
Sa araw na ito, sarado ang karamihan sa mga :
Banks
Government Offices
City Halls
Post Offices
Samantala, bukas pa rin ang karamihan sa mga convenience stores, supermarkets, restaurants, shopping malls, at tourist attractions.
Kung may plano kang mag-bank transaction o maglakad ng government documents, mas mabuting gawin ito bago ang holiday upang maiwasan ang anumang abala.
Kung wala ka namang lakad, perfect din ang long weekend para mag-relax, mag-explore ng Japan, o mag-spend ng quality time kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Posted : 17 July 2026
Download Now !