by Ivy E.A.
Kung nasa Japan ka ngayong summer, huwag palampasin ang Tanabata Sky Lantern Festival isa sa pinaka-magical at Instagram-worthy festivals ng taon!
Ang Tanabata, o Star Festival, ay base sa kuwento nina Orihime at Hikoboshi, dalawang lovers na nagkikita lang isang beses sa isang taon tuwing July 7 (7/7).
Bilang simbolo ng pag-asa, sumusulat ang mga tao ng kanilang wishes sa tanzaku at isinasabit ito sa bamboo branches. Sa gabi, libo-libong LED sky lanterns ang sabay-sabay na pinapailaw, na nagbibigay ng napakagandang tanawin sa ilalim ng summer sky.
July 7 – Traditional Tanabata celebration sa buong Japan.
August 6–8 – Sendai Tanabata Festival, isa sa pinakamalaking Tanabata festivals sa Japan.
July–September – Iba't ibang Tanabata Sky Lantern Festivals sa iba't ibang cities sa Japan (depende sa venue at organizer).
Hindi lang lanterns ang mae-enjoy mo! Maraming festival venues ang may:
Japanese food stalls (yatai) na nagbebenta ng takoyaki, yakisoba, karaage, kakigori (shaved ice), at iba pang festival favorites.
Photo by: Iwafu
Maraming Japanese ang nagsusuot ng colorful yukata, kaya mas festive ang atmosphere. Kung gusto mong ma-feel ang authentic Japanese summer festival, pwede ka ring magsuot o mag-rent ng yukata!
May mga live stage performances din tulad ng traditional Japanese dances, taiko drum performances, live music, cultural shows, at iba pang exciting entertainment habang hinihintay ang lantern release.
Whether kasama mo ang family, friends, o special someone, ang Tanabata Sky Lantern Festival ay isang unforgettable experience na puno ng culture, food, performances, at wishes.
Wear your yukata, enjoy the food, watch the performances, make a wish, at sabay-sabay nating panoorin ang libo-libong lanterns na nagbibigay liwanag sa summer night sky!
Posted : 03 July 2026
Download Now !