by Ivy E.A.
Napapansin mo rin ba? Parang every year, mas umiinit ang summer sa Japan. Para sa maraming Pinoy na nakatira sa Tokyo, Osaka, at ibang busy cities, hindi na lang basta “mainit” — sobrang lagkit at nakakapagod na rin ang weather.
Isa sa biggest reasons kung bakit mas mainit ngayon ay climate change. Mas madalas na ang extreme temperatures at heatwaves sa Japan compared noon. Kahit gabi minsan, ramdam pa rin ang init kaya hirap matulog without aircon.
Sa mga city areas, maraming concrete buildings at asphalt roads na nagta-trap ng init. Tinatawag itong “urban heat island effect.” Kaya kahit pareho lang ang temperature reading, mas mainit pa rin sa pakiramdam habang naglalakad sa city.
Para sa mga Pinoy, akala natin sanay tayo sa init dahil galing tayo sa Pilipinas. Pero iba ang humidity sa Japan during summer. Kahit hindi sobrang taas ng temperature, sobrang lagkit at mabilis kang pagpawisan.
Every year, maraming tao sa Japan ang naaapektuhan ng heatstroke. Kaya importante na :
Uminom lagi ng tubig
Gumamit ng portable fan
Magpahinga kapag sobrang init
Iwasan ang direct sunlight during tanghali
Maraming cooling products available sa DAISO Japan at Don Quijote na malaking tulong during summer.
Image Reference : Japan Journeys
Habang mas umiinit ang panahon taon-taon, mas importante na maging prepared. Kahit challenging ang Japanese summer, puwede mo pa rin itong ma-enjoy basta alaga ka sa health mo.
Stay hydrated, stay cool, at enjoy pa rin ang summer life sa Japan!
Posted : 23 May 2026
Download Now !